Friday, October 28, 2011
Sunday, October 23, 2011
Miss na kita. Pero di ko ma-explain eh. Alam mo yung feeling na alam mo sa sarili mo pero pag pinapaexplain na di mo maexplain? K, back to topic. Miss na miss na kita. Gusto ko ibalik yung dati pero parang malabo na. Aminin na natin na kinikilig ako pag inaasar tayo sa isa't isa. Sana nga open tayo sa isa't sa so i dont have to keep wondering how you're feeling. May times na nasasaktan ako dahil sa nangyari. May times naman na kilig na kilig ako na halos malaglag nako sa kinauupuan ko. Minsan nga gusto kita itext para sabihin sayo yung nararamdaman ko eh. Pero naiisip ko na mas better if personal ko sasabihin. Pero pano ko sasabihin kung ni hello nga di natin masabi sa isa't isa? Ang hirap na kasi. Kahit nahihirapan nako meron pa rin something inside me na ayaw sumuko. Alam mo yung pag sinabihan ka nila na tama na, ayaw mo pa rin kasi ganun mo sya kamahal? Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Kaya siguro di ko pa alam kung pano i-handle. Totoo nga yung kasabihan na marerealize mo lang kung gano sya kaimportante sayo kapag nawala na sya. Inaamin ko i took you for granted. Lagi na lang aayaw ako tapos gugusto ulit not knowing na nasasaktan ka din. Tanga lang. Everytime na nakikita kita lagi ko na lang naiisip kung ano dapat ang naging tayo. Alam ko na too late na ang pagsisisi ko pero di pa rin ako natatanggalan ng hope na mabalik yung dati. Alam ko din na ganito palagi sinasabi ko pero kasi eto nararamdaman ko eh. Di naman nagbabago. Alam mo kung pwede lang ibalik yung panahon gagawin ko. First time ko magsisi ng ganito. Yung pakawalan yung taong mahal ko. Di nako bitter. Di ko lang talaga alam kung pano mag act after what happened. May times na masaya ako sa nararamdaman ko. May times naman na sakit na sakit ako. Ewan ko ba sa nararamdaman ko. Yun nararamdan kong toh can definitely affect my mood. One second im happy then the next im unhappy. It sucks pero dito ako masaya eh. Ang umasa. Gustong gusto nga kita kausapin pero di ko alam sasabihin. Di nako nahihiya or na-aawkwardan :) diba malaking change na yun? Sa nov. 30 1 year na tong nararamdaman ko para sayo. Diba ang saya! Alam mo din ba kinikeep track ko pa rin kung ilang months na dapat tayo :) wala lang feel ko lang. Sana tong mga nakasulat dito masabi ko sayo lahat in person para di ko na lang palagi tinatago. Nagstop na rin ako magkwento sa mga tao about sayo. Alam nila na ikaw pa rin gusto ko (ay mahal pala :p) tapos ang usapan. Feeling ko kasi sawa na sila sa drama ko eh. Naisip ko din na its better if i keep it to myself para di naman masabi ng tao na desperada ako. Miss na miss na talaga kita. Minsan nga gusto na lang kita biglang yakapin eh. Pero weird naman kung gagawin ko yun. Alam kong hanggang friends na lang talaga pero parang di pa nagsisink in sakin yun. Wala ka dapat ika-sorry kasi ako lahat ang may kasalanan. Pati yung pag asa asa na yan. Ako lahat. Kaya hayaan mo ko masaktan. Sana maibalik yung dati. Di man agad agad pero sana bumalik na yung friendship tapos step by step ulit. Pero baka ayaw mo na talaga. Kaya hanggang asa na lang ako. Ok lang, kaya ko pa naman eh. Siguro naman i'll get better in time.. Kung hindi man, nako kelangan ko na magpatingin sa love doctor. Pag nga namimiss kita lagi ako nagbaback read ng mga covos natin eh. Miss na talaga kita! Miss na miss. Sana nmabasa mo man lang toh para malaman mo ang nararamdaman ko :P kasi naman eh, tanga ko no. Sige na medyo may pagkahaba na to. I love you, bebe. Ikaw ang nag-iisang Bryan Rivera Cabarlo ng buhay ko :)
Friday, October 7, 2011
Wednesday, October 5, 2011
Tanga ka Nadine, tanga!
Alam ko naman na hindi mo obligasyon ang magreply sa texts ko pero alam mo ba kung gano kasakit at nakakatanga enough ang maghintay para sa reply mo? Nakatulog na ako't lahat wala pa ring reply. Ewan ko ba bakit sakit na sakit ako di naman tayo. Ganito ba dapat masaktan ang mga taong umaasa at nagpapakatanga?
Tuesday, October 4, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)
